Cauayan City, Isabela-Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Isabela dahil epekto ng malawakang pagbaha bunsod ng pag-uulan dulot ng hagupit ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Governor Rodito Albano III, inihahanda na rin ngayon ang pondong ilalaan na para magamit ng mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pagbaha.
Dagdag pa ng gobernador, halos lahat ng low-lying areas sa probinsya ay nalubog sa baha gayundin ang sira sa mga pananim dahil sa pagdapa sa ilang mga sakahan.
Bukod dito, naitala rin ang dalawang (2) casualty ng bagyo makaraang anurin ng rumaragasang tubig sa mga ilog.
Giit pa ng opisyal, pinag-iisipan din ang pagsasagawa ng dredging sa mga sapa upang makalabas ang tubig sa Cagayan river at maiwasan ang lubhang pagtaas ng lebel ng tubig tuwing may pagbaha.
Samantala,nagpaalala din si Albano sa mamamayan na mag-ingat pa rin para makaiwas sa banta naman ng COVID-19.