Manila, Philippines – Matapos ang 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Leyte na sinundan pa ng mga malalakas na aftershocks, humihiling ngayon ang mga kongresista mula sa Region 8 na ipasailalim sila sa state of calamity.
Ito ay dahil nasira ng lindol ang mga linya ng National Grid Corporation of the Philippines at posibleng sa susunod na buwan pa magkakuryente ang mga lalawigan sa Region 8.
Ayon kina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Western Samar Rep. Edgar Sarmiento, hirap na ang ekonomiya ng rehiyon dahil sa kawalan ng kuryente.
Apektado na anila ang trabaho, kabuhayan at turismo ng rehiyon.
Sinabi ng mga mambabatas na batay sa tala ng National Economic Development Authority, aabot sa 300 million hanggang 500 million ang nawawala sa ekonomiya ng kanilang rehiyon araw-araw.
Bagamat aminado ang mga kongresista na dagdag ito sa singil sa kuryente, kailangan ng magkaroon agad ng rapid deployment ng generator sa Region 8 at power barges bilang emergency measure na magbabalik ng suplay ng kuryente doon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558