Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senate President Koko Pimentel sa plano ni Interior Secretary Eduardo Año at Tourism Secretary Wanda Teo na pansamantalang isara ang Boracay Island para bigyang-daan ang rehabilitasyon.
Paliwanag ni Pimentel, mas madaling maisasagawa ang rehabilitasyon ng Boracay kapag walang turista sa kapaligiran.
Nauunawaan naman ni Pimentel ang hirap na idudulot kapag ipinasara ang lugar sa loob ng dalawang buwan mula June 1 hanggang July 31.
Pero diin ni Pimentel, ito ay pansamantala lamang, at para naman sa ikabubuti ng lahat ng kinauukulan kabilang na ang mga turista.
Ayon kay Pimentel, ang pagpapasara ng Tourist Destination para ipaayos ay hindi na bago dahil ginawa din ito sa Koh Tachai island sa Thailand noong May 2016.
<#m_-7849144850007871914_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>