State of Calamity, pinapadeklara sa mga lugar na apektado ng ASF

Iminungkahi ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pagdeklara ng State of Calamity sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever o ASF na ngayon ay umaabot na sa 54 na probinsya at 460 na munisipalidad sa buong bansa.

Paliwanag ni Villafuerte, paraan ito para mapadali ang pagsasagawa ng gobyerno ng emergency measures, upang mapigilan ang paglawak ng epekto ng ASF.

Babala ni Villafuerte, ang pagkalat ng ASF ay tiyak na magpapahina sa suplay ng karne ng baboy at magpapataas sa presyo nito na magpapabigat sa gastusin ng publiko sa harap na patuloy pa ring pagtaas sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin.


Dagdag pa ni Villafuerte, ang pagkalat ng ASF ay maaring pagbatayan para muling magkasa ng importasyon ng karne ng baboy.

Diin pa ni Villafuerte, oras na ideklara ang state of calamity ay magagamit ang bahagi ng contingency fund ng Bureau of Animal Industry pambili ng bakuna laban sa ASF.

Facebook Comments