Mahigpit ang tagubilin ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Belize, Central Amerika makaraang ideklara ang state of emergency.
Ayon sa DFA pinapayuhan ang mga Pilipino na magtutungo sa Belize na mag-ingat dahil sunod-sunod ang insidente ng pamamaslang.
Sa pinakahuling datos umaabot na sa 6 ang napatay dahil sa gang war magmula lamang nitong August 31 hanggang September 1 na itinuturing na pinakamataas na krimen sa kasaysayan ng Belize.
Sinabi naman ni Philippine Honorary Consul in Belize Mikhal Arguelles, na nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa Belize City maliban na lamang sa George at Banak kung saan talamak ang kaguluhan.
Sa ngayon nasa 100 indibidwal na ang hawak ng mga otoridad magmula nang ideklara ang state of emergency.