State of emergency, idineklara matapos ang pagkakadiskaril ng tren sa Tacoma

World – Nagdeklara na ng state of emergency si Washington State Governor Jay Inslee matapos ang pagkadiskaril ng tren sa Tacoma.

Anim na ang nasawi mula sa mahigit pitumpung (70) nasugatan sa aksidente.

Ayon sa National Transportation Safety Board (NTSB), aminado si Amtrak presidente at CEO Richard Anderson na hindi nila na-activate ang “positive train control” sa riles na dapat sana ay magpapabagal at magpapahinto sa takbo ng tren.


Nabatid na 13 bagon ng tren ang tumilapon sa kalsada kung saan nadamay ang ilang dumadaang sasakyan.

Facebook Comments