State of emergency sa isang rehiyon sa Italy, idineklara dahil sa nagpapatuloy na wildfire

47

Idineklara na ang state of emergency sa Sardinia Region sa Italy dahil sa patuloy na wildfire.

Ayon kay Sardinia Region President Christian Solinas, inaalam na nila ang halaga ng pinsala ng wildfire partikular sa Oristano area kung saan libo-libong katao na ang inilikas.


Nabatid na maraming pananim ng gulay, negosyo, kabahayan at mga alagang hayop ang napinsala ng sunog.

Nakapag-deploy na ang 7,500 bumbero at mahigit 20 na aircraft para mapahinto ang wildfire sa 20,000 hectares lupain.

Facebook Comments