Binawi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation No. 55 na nagdedeklara ng State of National Emergency dahil sa gulo sa Mindanao.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 298 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na sa pamamagitan ng matagumpay na military at law enforcement operations at mga programa ay naibalik ng gobyerno ang peace and order sa rehiyon.
Dahil dito mawawalan na ng bisa ang Proclamation No. 55 na inilabas noong 2016 na ideneklara sa Mindanao dahil sa paghahasik ng kaguluhan ng mga pribadong armadong grupo, local warlords, mga bandido, criminal syndicates, teroristang grupo at religious extremists.
Facebook Comments