State of Public Health Emergency, idedeklara sa Maynila dahil sa problema sa basura

Isa lamang iyan sa sumingaw na problemang hinaharap ng Lungsod ng Maynila na sumalubong sa pag-upo ng bagong administrasyon.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nakatakdang magdeklara ng state of public health emergency sa lungsod dahil sa banta sa kalusugan ng kabi-kabilang basura sa kalsada.

Kasunod nito, sinabi ni ‘Yorme’ na nakiusap siya sa dating contractor ng local government unit o LGU na Leonel Waste Management Corporation na hakutin muna ang mga tambak ng basura ngayong araw.

Habang humiling na rin ng tulong si Moreno sa national government upang mas mapabilis ang paghakot sa mga basura na nagkalat sa anim na distrito ng lungsod.

Facebook Comments