Ipapadala na ng Department of Information and Communication Technology o DICT sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang makabagong kagamitan na magagamit sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, ang Mobile Operations Vehicle for Emergency o tinatawag na MOVE ay kinabibilangan ng mga telecommunication hub truck, 4×4 pick-up rapid response unit at mga off-road motorcycle na mayroong ICT system.
Ang “state of the art” MOVE na may kakayahang maghatid ng mabilis na information techology support sa mga responders para sa maayos na koordinasyon sa panahon ng kalamidad ay dadalhin sa Southern Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas at Northern Mindanao.
Matatandaan na isa sa mga nagiging problema sa panahon ng kalamidad ay ang komunikasyon tulad noong Bagyong Yolanda at mga nagdaang malalakas na lindol sa bansa.