State-of-the-art satellite internet at mga generator set, inilagay ng DSWD sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad

Naglagay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga libreng Wi-Fi connection at charging equipment sa mga mobile command center  sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay DSWD Asec. at Spokesperson Irene Dumlao,  malaking tulong sa mga disaster-stricken areas ang state-of-the-art satellite internet at mga generator set at iba pang equipment na ipinadala sa bawat mga field office sa bansa.

Ang mobile command center ay may wireless access points at naglalaman ng handheld digital radio na magbibigay ng malawak na koneksiyon sa mga lalawigan.


Sa tulong naturang mga kagamitan, masosolusyunan ang problema sa komunikasyon lalo na sa pagmo-monitor at sa agarang pag-consolidate ng mga data na kakailangan para pabilisin ang relief items sa mga warehouse at storage facility sa mga rehiyon.

Facebook Comments