State of the Province Address ni North Cotabato Governor Mendoza umani ng pagsaludo

Pinasalamatan ni North Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño- Mendoza ang kanyang mga kababayan matapos makasama at mapagsilbihan sa loob 9 na taon bilang ina ng lalawigan kasabay ng kanyang State of the Province Address kahapon sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan .
Ibinida naman sa SOPA ni Governor Mendoza ang mga Serbisyong Totoo na kanyang nagawa sa buong lalawigan.
Umaasa naman si Gov. Mendoza na magtuloy tuloy pa ang suporta ng kanyang kababayan sa mga susunod na panahon sa Provincial Government ng North Cotabato.
Dumalo sa okasyon ang mga opisyales mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan, militar, pnp, at ibat ibang sektor.
Umani naman ng papuri at pagsaludo ang SOPA ni Gov. Mendoza.

Facebook Comments