State of the Union Address ni US President Donald Trump, itinakda na sa February 5

Itinakda na sa February 5 ang taunang State of the Union Address ni US President Donald Trump.

Kasunod na rin ito ng pagpayag ni Trump matapos ang pagbubukas muli ng pamahalaan makaraang lagdaan ang panukalang batas na hudyat para tanggalin na ang temporary shutdown sa federal government offices.

Ayon kay House Speaker Nancy Pelosi, kapwa nagkasundo sila ni trump sa bagong petsa ng State of the Union Adress kung saan ipapahayag nito ang kasalukuyang hinaharap ng Amerika.


Nabatid na ngayon sanang January 29 ang State of the Union Adress ni Trump pero ipinagpaliban ito dahil sa isyung pangseguridad.

Sa kanyang talumpati noong nakaraang taon, kalmadong hinikayat ng 72-year-old US President ang mga republicans at democrats na magkaisa tungo sa pagkakaroon ng maayos na polisiya sa kanilang immigration at infrastructure.

Facebook Comments