Tuluyan nang ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang pagsasagawa ng kanyang State of Union Address sa House of Representatives.
Kasunod na rin ito ng pagharang ni Speaker Nancy Pelosi na magsagawa siya ng talumpati dahil sa nagpapatuloy na federal government shutdown.
Nangangamba kasi siya sa problema pagdating sa seguridad lalo at maraming mga empleyado ng gobyerno ang wala sa trabaho.
Nakatakda sanang isagawa ang State of Union Address sa January 29.
Facebook Comments