STATE PARTNERSHIP PROGRAM | AFP Reserve Force, AFP Modernization Program, at Disaster Preparedness, tinalakay ng mga US officials at AFP officials sa Camp Aguinaldo

Manila, Philippines – Tinalakay ng National Guard Bureau Chief, US Armed Forces Department of National Defense officials at Armed Forces of the Philippines Officials ang ilang mahahalagang usapin matapos na bumisita mismo sa Camp Aguinaldo, Quezon City ang pinuno ng US National Guard Bureau na si General Joseph Lengyel.

Ayon kay AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Emmanuel Garcia, pinag-usapan sa official visit ang usapin patungkol sa AFP reserve Force, AFP Modernization Program at pagpapaangat pa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Capabilities.

Ang hakbang na ito ng mga matatas na opisyal ng Amerika at Pilipinas ay bahagi ng State Partnership Program.


Sinabi naman ni General Lengyel na magsasagawa sila ng pagsasanay kasama ang mga sundalo at reservist ng AFP patungkol sa disaster response na napakalahaga aniya sa panahing nakakaranas ng kalamidad ang bansa.

Facebook Comments