Itutuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kaniyang state visit sa China sa January 3 hanggang January 5 sa susunod na taon, ito ay sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Nathaniel Imperial, mahalaga ang ugnayang panlabas sa China kaya tuloy ang gagawing state visit ng pangulo.
Tiniyak naman ng Chinese government na ligtas ang lahat ng engagement ng pangulo.
Sinabi ni Imperial hindi hahayaan ng gobyerno na makarating sa Pilipinas ang kumakalat na COVID variant sa China.
Samantala, sa state visit ng pangulo sa China ay kasama nito ang kanyang First Lady na si Liza Araneta-Marcos.
Facebook Comments