STATE VISIT | Pagbisita ng Chinese President sa Pilipinas, ‘historical’ – PRRD

Manila, Philippines – Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang makasaysayang okasyon ang pagbisita sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa Pangulo, ang pagbisita sa bansa ng Chinese president ay bagong yugto sa pagiging bukas ng kooperasyon ng dalawang bansa.

Umaasa aniya siya na magiging mabunga ang pagbisita ni President Xi tungo sa malakas pang partnership sa China sa diwa ng pagkakaibigan, pagkakaunawaan at paggalang sa sovereignty ng dalawang bansa.


Sa panig naman ni President Xi, nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Filipino.

Inilarawaan rin niyang refreshing ang relasyon ng Pilipinas at China at kontento siya sa nakikita niyang paglago ng relasyon ng dalawang bansa.

Maliban rito, kinilala rin ng Pangulo ng China ang produktibong resulta ng kanilang kooperasyon sa lahat ng area na nagbibigay ng benipisyo sa kanilang mamamayan.

Facebook Comments