Manila, Philippines – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapagtitibay pa ang bilateral relations ng Pilipinas at South Korea.
Ito ay kasabay ng nakatakda niyang pagbisita sa Seoul sa June 4.
Sa state visit nito, makikipagkita si Pangulong Duterte kay South Korean President Moon Jae-in para palakasin muli ang alyansa ng dalawang bansa.
Ito ang unang pagkakataon na mabisita ni Duterte ang South Korea bilang punong ehekutibo.
Una nang sinabi ng South Korea, handa itong magbigay ng isang bilyong dolyar na loan sa Pilipinas.
Facebook Comments