STATE VISIT | Pasok sa eskwela, tanggapan sa Maynila sa Nov. 20 – suspendido

Manila, Philippines – Suspendido ang lahat ng klase sa mga paaralan at mga ahensiya ng pamahalaan sa Maynila sa Martes, Nobyembre 20.

Ito ay dahil nga sa nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

Sa bisa ng Executive Order number 41 na ibinaba ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada pansamantalang ipagpapaliban ang klase at trabaho sa gobyerno ng Maynila.


Bukod sa Malacañang, nakatakda ring bumisita sa Rizal Park si President Xi.

Ang hakbang ng alkalde ay batay narin sa rekomendasyon ng Manila Police District Office.

Facebook Comments