STATE VISIT | Pasok sa mga korte sa Maynila bukas, suspendido

Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang pasok sa lahat ng korte sa Maynila bukas.

Kabilang na dito ang Korte Suprema at Court of Appeals (CA).

Ito ay bilang pagtalima na rin sa Executive Order 41 ni Manila Mayor Joseph Estrada na nagdi-deklarang walang pasok sa Maynila bukas.


Bunga ito ng state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping mula bukas hanggang sa Miyerkules.

Facebook Comments