Statement of Assets, Liabilities, and Net worth ng mga miyembro ng Judiciary, inilabas na

Manila, Philippines – Inilabas ng Korte Suprema ang summary report ng Statements of Assets, Liabilities & Net Worth (SALN) ng mga mahistrado ng SC as of December 31, 2016.

Naitalang pinakamayaman sa 15 mahistrado ng Supreme Court si Justice Francis Jardeleza na may net worth na mahigit P252M, pungalawa naman si Justice Mariano Del Castillo na may mahigit P139M na net worth, pangatlo si Justice Benjamin Caguioa may P122M na net worth na sinundan ni Justice Antonio Carpio na may P83M networth habang panglima naman si Justice Estel Perlas-Bernabe may net worth na P78M.

P78M naman ang net worth ni Justice Bienvenido Reyes na sinundan ni Justice Diosdado Peralta na mayroong P44M net worth; pangwalo sa pinakamayamang mahistrado ay si Justice Jose Mendoza na mayroong P41M net worth habang sinundan naman ito ni Justice Lucas Bersamin na mayroong P41M net worth; pangsampu naman si Justice Samuel Martires na mayroong mahigit sa P40M networth


Nasa ikalabing isang pwesto naman ay si Chief Justice Ma. Lourdes Serreno na mayroong P24M net worth na sinundan naman ni Justice Presbitero Velasco na mayroong P18M net worth, mahigit P17M ang net worth ni Justice Teresita Leonardo de Castro at sinundan naman ni Justice Noel Tijam na mayroong halos P16M net worth at ang pinakamahirap sa 15 mahistrado ng SC ay si Justice Marvic Leonen na mayroon lamang P3M net worth.

Wala namanng utang o liabilities sina Justices Velasco, Bernabe, Jardeleza at Caguioa habang tig-limang P5000 lang ang utang nina Justices Martires at Tijam.

Facebook Comments