Sinibak na sa pwesto ang precinct commander at dalawang intelligence officers ng Navotas Police Station matapos masagip ng PDEA ang 12 menor de edad sa mga drug den sa Barangay North Bay Boulevard North.
Mismong si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang nag-utos na tanggalin sa puwesto sina Inspector Resty Descalzo, commander ng Police Community Precinct 3, PO3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas ng Navotas station intel branch.
Ayon kay Albayalde, hindi katanggap-tanggap na nangyayari ito sa kanilang hurisdiksiyon nang hindi nila nalalaman.
Facebook Comments