Station level most wanted person, arestado sa Taguig City

Nakaditine na sa custodial facility ng Taguig City Police Station ang Top Most Wanted Person Station Level ng Taguig PNP na sangkot sa iligal na droga.

Ang suspek ay kinilalang si Alfeo Pacio na naaresto sa J. Ramos St.-Antonina St., Ibayo Tipas, Taguig City.

Ang pagkakaaresto sa suspek ng Warrant and Subpoena Unit ng Taguig City Police Station ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Hon. Marivic C Vitor ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 266.


Humaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A.9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments