Station manager ng isang local radio station sa Tacurong City, Sultan Kudarat kritikal matapos pagbabarilin

Kritikal ang station manager ng isang local radio station matapos na pagbabarilin sa Brgy. New Isabele Tacurong City Sultan Kudarat.

 

Ito ang kinumpirma ni Lt Col Lino Capellan ang tagapagsalita ng Police Regional Office 12.

 

Ayon kay Capellan 1:15 ng tanghali kanina nang pagbabarilin ang biktimang si Benjie Abdul Caballero Station Manager ng Radyo ni Juan at residente ng Park Sampaguita, Brgy New Isabela, Tacurong City.


 

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP nagaabang ng sasakyang tricycle ang biktima ng pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

 

Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib na agad naisugod sa St. Louis Hospital at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Facebook Comments