Mula Alert Level 2, ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na isang buwan, bumaba na ang bilang ng mga naitatalang volcanic earthquakes habang humupa na rin ang pamamaga ng bulkan.
Gayunman, nananatiling “abnormal” ang sitwasyon ng bulkan at hindi pa rin nawawala ang banta ng pagputok nito.
Kaya panawagan ng PHIVOLCS sa mga residenteng nagsibalik sa mga lugar na may mataas na panganib ng base surge, maging handa at mabilis sa maayos na paglikas.
Sakali namang magtuloy-tuloy ang pagkalma ng bulkan, maaari na itong ibaba sa Alert Level 0.
Facebook Comments