Hinimok ng OCTA Research ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ibalik ang kautusang nagbabawal sa mga bata na lumabas ng kanilang bahay sa harap ng banta ng Delta COVID-19 variant.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mabilis na nagkakaroon ng surge sa ibang bansa dahil sa Delta variant.
Ang mga hindi pa nabakunahan ay mas madaling hawaan ng naturang sakit.
Kabilang din sa mga natatamaan ng sakit ay ang mga batang pinayagang lumabas.
Kahit na nasa labas lamang sila ng bahay, sinabi ni David na may tiyansa pa ring makapitan ng infection ang mga bata.
Sa ngayon, ‘manageable’ pa rin ang COVID-19 situation sa Metro Manila.
Una nang ipinanawagan ng OCTA sa IATF na magpatupad ng bubble sa NCR plus para maiwasan ang local transmission ng Delta variant.T