Staycation sa travel bubble, pinapayagan

Hindi tuluyang pinagbabawalan ang staycation sa loob ng travel bubble.

Ito ang paglilinaw ni Philippine National Police Officer-in-Charge Chief Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng gagawing paghihigpit sa paglabas pasok ng mga tao sa travel bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Gen. Eleazar, pwede ang staycation sa mga hotel sa Metro Manila, pwede rin ang staycation sa Tagaytay maging ang pagsi-swimming ng pamilya sa Pansol, Laguna ngayong Semana Santa.


Paliwanag ni Eleazar, may inilatag na mga panuntunan ang Department of Tourism (DOT) sa mga accredited hotel and accommodation sa mga lugar na pasok sa travel bubble na syang mahigpit na susundin.

Kinakailangan lamang hindi lalagpas sa 10 ang mga kasama o immediate family lamang upang makaiwas sa hawaan ng virus.

Pinapayuhan din nito na palagiang magdala ng ID para sa mga nakalatag na checkpoint.

Facebook Comments