Staycations sa mga hotel sa GCQ areas, pinapayagan na ayon sa DOT

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang staycations sa mga hotel sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Pero paglilinaw ni Department of Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, bagamat pinayagan na ang staycation ng pamahalaan, dapat pa rin sumunod sa mga ipinapatupad na minimum ang mga health protocols.

Bukod dito, dapat aniya ay accredited ng DOT ang mga hotel at nakasunod sa umiiral na requirements ng Local Government Unit tulad ng ilan lang ang maaaring i-accommodate.


Inaasahang maglalabas ang DOT ng memorandum circular sa staycations sa GCQ areas.

Maaalalang ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, at Tacloban City ay nasa ilalim ng GCQ hanggang September 30, 2020 habang ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay nasa Modified GCQ.

Tanging ang Bacolod City, Lanao Del Sur, at Iligan City ang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments