StaySafe App, pamamahalaan na ng DILG para sa pinaigting na nationwide contact tracing efforts

Iisang sistema na lamang ang gagamitin ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region o NCR para sa kanilang contact tracing bilang bahagi ng kampanya kontra COVID-19.

Ito’y ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG Spokesman USec. Jonathan Malaya kasunod ng isinagawang turnover ng StaySafe Application sa kagawaran.

Sinabi ni USec. Malaya na ang DILG ang naatasang mangasiwa sa datos na pinapasok sa StaySafe App upang ma-monitor ng maigi kung sinu-sino ang mga posibleng nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID-19.


Dahil dito, sa StaySafe App na lamang pupunta ang bawat taga-Metro Manila kung saan, ang QR code nito ang kanilang ipakikita saanmang establisyemento sila pumasok.

Magugunitang umani ng batikos ang iba’t ibang contact tracing app na ginagamit ng mga LGU sa Metro Manila na siyang nagdulot ng mas malaking abala at kalituhan lalo na sa mga obrero at mga may inter-city transactions.

Facebook Comments