Tina-trabaho na ng gobyerno na magkaroon ng “steady supply” ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas.
Sa interview ng RMN Manila kay National Policy on COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., target nila ang 50 hanggang 70 million katao na mabakunahan ngayong taon upang maabot ng bansa ang herd immunity.
Sinabi ni Galvez na nais ng pamahalaan na maging malaya na ang Pilipinas sa COVID-19 pagdating ng Kapaskuhan kaya target nilang bakunahan ang isang milyong mamamayan kada linggo sa Abril, 2 million per week sa Mayo at 3 to 5 million per week sa June.
Sa ngayon ay nasa 269,583 healthcare workers nationwide ang nabakunahan na.
Nasa 200,000 hanggang 500,000 COVID-19 vaccines naman mula sa Novavax ang inaasahang darating sa bansa sa ikalawang quarter ng taon.
Bukod pa rito ang 5 to 10 million doses ng Sputnik V mula sa Russia at isang milyong doses mula sa AstraZeneca na darating sa March 22, 2021.