STEEL BRIDGE SA CAMALANUIGAN-APARRI, TINANGAY NG RUMARAGASANG ILOG

Cauayan City – Tuluyang tinangay ng rumaragasang agos ng Ilog Cagayan ang bahagi ng pansamantalang steel bridge na ginagamit bilang alternate route sa pagitan ng Aparri at Camalanuigan.

Ayon sa video na ibinahagi ni Gadpreylan Richard Urbayo, makikita ang malalaking kahoy na naanod ng ilog na siyang tumulak sa istruktura ng tulay na nagresulta sa unti-unting pagkasira ng steel bridge at tinangay ng malakas na agos ang ilang bahagi ng mga bakal nito.

Nangangamba naman ang mga residente sa epekto nito sa kanilang biyahe at kaligtasan, lalo na’t ang steel bridge ay mahalaga para sa lokal na transportasyon.


Agad na nanawagan ang mga apektadong motorista at residente sa mga kinauukulan para sa agarang aksyon at rehabilitasyon ng lugar.

Patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng mga awtoridad, lalo na’t maaaring lumala pa ang pinsala kung magpapatuloy ang pag-ulan at paglakas ng agos ng ilog.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan na mag-ingat ang lahat at iwasan ang pagpunta sa mga mapanganib na bahagi ng tulay.

Facebook Comments