Steelman na Bumangga sa Kasalubong na Dump Truck, Patay

57

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos bumangga sa kasalubong na dumptruck na naglalaman ng sugarcane o ‘tubo’ sa Sitio Kasisiitan, Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jaylord Quilang,27-anyos, may-asawa, steelman at residente ng Brgy. Ueg sa nasabing bayan.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMSgt. Jhonimar Baingan, imbestigador ng PNP San Mariano, lulan ng single motorcycle na walang plaka ang biktima ng magtungo ito sa Centro Poblacion para kunin umano ang padalang pera ng kanyang asawa mula abroad.

Ayon pa kay Baingan, batay sa kanilang assessment ay posibleng mabilis ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo pababa sa pakurbadang daan habang paakyat naman ang dumptruck dahilan para mawalan ng kontrol si Quilang at makaagaw umano ng linya na dahilan ng pagsalpok sa kaliwang bahagi ng truck.

Makalipas ang ilang saglit ay kaagad na dumiretso sa himpilan ng pulisya ang suspek para doon sumuko at hindi para takasan ang insidente na ikinasawi ni Quilang.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima maging sa iba pang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagkasawi.



Sasampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in Damage to Property ang drayber ng dumptruck na nasa kustodiya ng mga otoridad.


Facebook Comments