Step-dad na nanggahasa ng kanyang anak-anakan, timbog ng CIDG

Nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao del Norte Provincial Field Unit katuwang ang Sto. Tomas Municipal Police Station si alyas “Segara” sa Purok. Sto. Niño, Brgy. Kinamayan, Sto. Tomas, Davao del Norte.

Inaresto ang suspek sa bisa narin ng inilabas na warrant of arrest ng korte dahil sa kaso nitong rape.

Ayon kay CIDG Acting Director PBGen. Romeo Macapaz, ginahasa ng suspek ang kanyang 8 taong gulang na step-daughter sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Davao del Norte.

Nabatid na makailang ulit na ginahasa ng suspek ang biktima kung saan nagbanta pa itong papatayin sya kapag nagsumbong.

Hanggang sa nagkaroon ng lakas ng loob ang bata na magsumbong sa kanyang nanay at doon na nasukol ng mga awtoridad ang naturang suspek.

Facebook Comments