Stephen Curry – nangako ng mas agresibong laro sa game 5 ng NBA finals bukas

NBA – Nangako ng mas agresibong laro si two-time MVP Stephen Curry para sa game 5 ng NBA finals bukas kontra Cleveland Cavaliers.

Ito ay matapos na bumaba ang playoffs scoring average ni Curry sa mga nakalipas na laro.

Matatandaang sa game 4 nang matalo ng Cavaliers ang Golden State Warriors ay nakagawa lang ng 14 points si Curry.


Una nang sinabi ni Lebron James na mahalagang mapigilan si Curry para maputol ang pamamayagpag ng Warriors sa NBA finals.

Matinding depensa rin naman ang inaasahang ipamamalas ng Cavaliers bukas para makahabol sa best-of-seven-series.
DZXL558

Facebook Comments