Stephen Curry ng Warriors, nakapagtala ng career-high record kontra Blazers

Nakapagtala ng career-high 62 points si Stephen Curry para talunin ng Golden State Warriors ang Portland Trail Blazers sa score na 137-122.

Hawak ngayon ni Curry ang highest-scoring game record at 10th career 30-point sa halftime ng National Basketball Association (NBA).

Tumulong naman ang no.2 overall draft pick ng Warriors na si James Wiseman na nakagawa ng 12 points, 11 rebounds at two blocks.


Nanguna naman para sa Portland si Damian Lillard na may 32 points habang si CJ MaCollum ay may 28.

Sunod na sasagupain ng Trail Blazers ang Chicago Bulls sa Miyerkoles ng gabi habang ang Warriors ay mapapalaban sa Sacramento Kings sa Martes ng gabi.

Facebook Comments