STL, hindi pa basta-basta makakapag-operate

Hindi pa maaaring makapag-operate ang Small Town Lottery (STL) matapos na bawiin ng gobyerno ang suspension order dito.

Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni PCSO General Manager Royina na base sa bagong Implementing Rules and Regulations na inaprubahan ng PCSO board kailangan munang sumunod sa apat na kondisyon ang mga STL operators.

Kabilang dito ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa guaranteed minimun monthly retail receipt o GMMRR na bukod pa sa kasalukuyan nilang cash bond.


Aniya, sakaling mabigo ang mga STL operator na makapagremit sa oras ng kanilang GMMRR sa panahon ng kanilang operasyon, ang cash bond na katumbas ng tatlong buwan ay magiging awtomatikong forfeited pabor sa PCSO.

Ikatlo, kailangan ding gumawa ng sinumpaang kasulatan ang mga authorized agent corporation na kanilang susundin ang mga obligasyon na nakasaad sa STL-Agency agreement at hindi sila hihingi ng anumang claims sa ahensya maging ito man ay monetary at injunction sa anumang korte upang pigilan ang gobyerno na i-exercise ang kanyang rights of prerogative.

Panghuli, lahat ng permit ng mga STL Agency na mabibigong sumunod sa mga kondisyon na nakasaad sa IRR ay awtomatikong mate-terminate.

Inaasahan na sa susunod na linggo ay dadami na ang bilang ng mga STL na magbabayad ng kanilang cash bond at saka lamang papayagan na makapag-operate ang mga ito.

Facebook Comments