STL , inilunsad na sa Butuan City

Inilunsad na kahapon ang Small Town Lottery (STL) sa PCSO sa Butuan City.

Ayon kay Mrs. Gloria Ybañez, Manager ng Mindanao Development ng PCSO, ang “Provident Marketing and Enterprise” ay panglabing-anim na Authorized Agent Corporation (AAC) sa Mindanao na inaprobahan ng PCSO na siyang mag-operate ng STL sa syudad.

Sabi pa ng opisyal ang STL ay pamatay sa illegal na sugal katulad ng masiao o illegal suertres na kumukuha sa resulta sa PCSO draws.


Maliban na ang STL ay isa sa pinagmulan ng pundo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) malaking tulong rin ito sa mga charitable programs kung saan maraming mga mahihirap na mga mamamayan na ang nakabenepisyo rito lalo na sa medical assistance at hospitalization.

Sa STL may revenue umano na nakukuha dito ang gobyerno.

Facebook Comments