Sto. Niño Church sa Tondo, itinalaga ni Pope Leo bilang Minor Basilica

Itinalaga ni Pope Leo XIV bilang Minor Basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa Maynila.

Inanunsiyo ito ng naturang simbahan matapos ang decree na inilabas ngayong buwan.

Ayon sa pamunuan ng Sto. Niño de Tondo, maglalabas pa lamang sila ng petsa kung kailan isasagawa ang Solemn Declaration para itaas ito bilang Basilica Minore.

Ang Sto. Niño de Tondo ang isa sa pinaka-dinarayo ng mga deboto sa kapistahan nito tuwing Enero at tahanan ng ikalawang pinakamatandang imahen ng batang Jesus sa Pilipinas.

Iginagawad ng Santo Papa ang Minor Basilica status sa isang simbahan dahil sa natatanging kahalagahan nito sa liturhiya at gawaing pastoral.

Taong 2019 nang pangunahan ni noo’y Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagtatalaga dito bilang archdiocesan shrine mula sa pagiging parokya.

Facebook Comments