Stop and Go Coalition, nakarating na sa LTFRB para magkilos protesta

Manila, Philippines – Nagsagawa na ng kilos protesta sa harap ng LTFRB ang grupong Stop and Go Coalition.

Bitbit nila ang mga placard na naglalaman ng panawagan na No to Jeepney Phase Out at No to Corruption sa Jeepney modernization plan.

Ayon kay Jun Magno, pangulo ng grupo, mas madaragdagan pa hanggang mamayang tanghali ang mga makikilahok sa kanilang tigil-pasada.


Mamayang hapon naman sila magpapasya kung itutuloy bukas ang ikinasa nilang 2-day transport strike.

Iginigiit ng grupo na masyadong mabigat ang 8,000 na bayarin kada araw sa pautang na 1.6 million ng gobyerno para makalipat sa mas modernong jeepney.

Magiging abonado sila ng 200 kada araw sa mangyayaring bayaran.

Facebook Comments