Stop and Go Scheme, ipatutupad ng MMDA mamayang hapon kasabay ng pagdaan ng mga delegado ng ASEAN Summit

Manila, Philippines – Nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya sa mga motorista na asahan ang pagbigat sa daloy ng trapiko mamayang hapon dahil sa ipatutupad na Stop and Go Scheme sa pagdaan ng mga delegado at VIP ng ASEAN summit.
Mula alas dos ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi, pansamantalang isasara ang Roxas Boulevard southbound lane, mula P. Burgos street hanggang Buendia, kabilang ang CCP Complex.

Ipatutupad din ang truck ban sa mga nabanggit na ruta.

Inaasahan namang babalik sa normal ang daloy ng trapiko matapos makadaan ang convoy.


Facebook Comments