Stop and salute, isinagawa sa Independence flagpole sa Luneta bilang bahagi ng National Flag Day

Isinagawa sa Independence flagpole sa Luneta ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat o National Flag Day ngayong Mayo 28, 2025.

Ito ay makasaysayang araw na nagpapaalala sa mga Pilipino ng mga sakripisyong ginawa ng mga ninuno sa paglaban para sa ating kalayaan.

Ginugunita rin sa petsang ito ang unang beses na iwinagayway ang pambansang watawat matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang mga pwersang Español sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite noong 1898.

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor, tanggapan ng pamahalaan at iba pang ahensiya sa tapat ng monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal kung saan sabay-sabay na nag-stop and salute sa ating Pambansang Watawat.

Matatandaan na sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, inaatasan ang lahat ng opisina, ahensiya ng gobyerno, mga establisyimento, paaralan, at pribadong tahanan na ibandera ang Pambansang Watawat ng Pilipinas sa Mayo 28 hanggang Hunyo 12 o Araw ng Kalayaan.

Facebook Comments