Pagtitipon-tiponin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar na naglalayong mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksiyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.
Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, ang Globe ay magho-host ng #MakeITSafePH Webinar ngayong Martes, February 8, alas-10 ng umaga, habang muling pinagtitibay ang komitment1 sa adbokasiya para sa online child safety.
Ang learning session ay streaming sa Globe Bridging Communities Facebook page. Layon nitong bigyang-diin ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Pilipinas, at ang mga paraan kung paano makasusuporta ang publiko sa1 paglaban dito.
“As a digital solutions group we look for ways to combat OSAEC through partnerships, instituting technical solutions and working with the relevant stakeholders. Ultimately, we aim to keep our kids safe when they spend time online,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.
Ang webinar ay pangungunahan ng UNICEF, na ipinaglalaban ang mga karapatan at proteksiyon ng mga bata, at nangunguna sa pagpapatupad ng SaferKidsPH platform. Tatalakayin ng UNICEF ang OSAEC landscape sa Pilipinas at kung bakit ang child protection ay isang “collective responsibility.”
Tatalakayin ng Internet Watch Foundation ang global impact ng OSAEC, habang magbibigay ang CitizenWatch Philippines and Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ng pananaw sa kung paano naaapektuhan ang digital citizens ng isyu.
Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), sa pakikipagtulungan sa Philippine government na may titulong “Online Sexual Exploitation of Children in the Philippines: Analysis and Recommendations for Governments, Industry and Civil Society,” kinakailangan ang kagyat na pagkilos laban sa online sexual exploitation ng mga bata dahil ang Pilipinas ay kabilang sa world’s top producers ng content na nakaugat sa ganitong uri ng pag-abuso.
Lumitaw sa maraming pag-aaral na maraming pamilya ang ginagamit ang kanilang mga anak para kumita sa pamamagitan ng OSAEC, lalo na nang pumutok ang pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho.
Sinusuportahan ng Globe ang mga inisyatiba ng pamahalaan na labanan ang online sexual abuse at exploitation of children at patuloy na namumuhunan sa public education on digital citizenship and responsibility tulad ng Digital Thumbprint Program. Nakipagpatner din ito sa Internet Watch Foundation (IWF) para paigtingin ang laban kontra OSAEC, at sa Canadian Center for Child Protection para matukoy ang iba pang illegal websites at ma-block ito sa kanilang network.
Ang #MakeITSafePH campaign ay nagkakaloob din ng practical tips at simpleng impormasyon hinggil sa cybersecurity at safety. Isinusulong nito ang pagbabantay sa online upang tulungan ang mga Pilipino na malabanan ang online hacking, identity theft, at iba pang cybercrimes.
Ang Globe ay mahigpit na sumusuporta sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng imprastruktura at inobasyon bilang krusyal na tagapagsulong ng economic growth at development. Nakahanda itong pagtibayin ang UN Global Compact principles at mag-ambag sa 10 UN SDGs.