
Patuloy na inaapula ang sunog sa isang storage area na pinag-iimbakan ng mga ukay-ukay sa may Guido 3, A. Mabini Street sa Brgy. 33, Maupajo, Caloocan City.
Nagsimula ang sunog ng alas-4:35 ng madaling araw kung saan inabot ito ng ikalawang alarma.
Nabatid na mabilis kumalat ang apoy dahil sa nakaimbak na mga damit at nadamay pa ang ikalawang palapag na ginagamit ng isang religous group.
Alas-6:18 nang umaga ng ideklarang fire under control ang sunog at apat ang naitalang sugatan sa insidente na magtamo ng paso, galos, at natusok ng matulis na bagay.
Dalawa rin ang binigyan ng paunang lunas dahil nahirapang huminga at na-high blood.
Ligtas at nakalabas naman ang ilang caretaker ng nasabing storage area, maging ang ilang tauhan ng katabing establisyimento.









