STORAGE FACILITY NG SIBUYAS SA ALCALA, PINASINAYAAN

Pinasinayaan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project ng Department of Agriculture ang bagong cold storage facility para sa naaning sibuyas sa Brgy. Bersamin, Alcala.

Aabot sa 96,000 bags ng sibuyas ang kayang imbakin sa pasilidad at inaasahang tutugon sa pag-iimbak ng nasa 17.45% ng kabuuang ani ng magsasaka na hindi agad naibebenta tuwing anihan.

Base sa feasibility study ng proyekto, nasa labing dalawa hanggang labing apat na metriko tonelada ang average annual production rate ng sibuyas mula sa Alcala.

Layunin ng pasilidad na mabawasan ang pagkabulok ng naaaning sibuyas at masolusyunan ang mababang farmgate price sa tuwing panahon ng anihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments