Storage facility para sa ERs at COCs ng boto sa pagkapresidente at bise presidente, handa na sa Senado

Naihanda na ng Senado ang paglalagyan ng Certificate of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) ng mga boto para sa pangulo at ikalawang pangulo.

Ito ang inihayag ni Senate Secretary Myra Marie Villarica na siyang nangunga sa ad hoc committee na binubuo ng mga opisyal at tauhan ng Senado na siyang mangangasiwa sa pag-iingat sa nabanggit na mga COCs at ERs.

Ayon kay Villarica, matapos ang botohan sa May 9 ay dadalahin ng COMELEC election officers mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod ang mga ballot boxes na naglalaman ng COCs at ERs.


Kasama rin dito ang mga COC ng overseas absentee voting na ita-transmit sa Office of the Senate President.

Sabi ni Villarica, sa ngalan ng transparency o pagiging bukas sa publiko ay mapapanood live sa YouTube channel ng Senado ang buong proseso simula alas-6:00 ng gabi ng Mayo 9.

Tiniyak naman ni Senate Sergeant at Arms Chief Rene Samonte na secured ang nabanggit na mga election documents, at nababakuran at may kandado.

Ang election returns ay sa indoor parking nakapwesto habang sa 2nd floor naman itatabi ang mga COC.

Mananatili sa Senado ang nabanggit na mga COC at ERs hangga’t hindi nagsisimula ang canvassing ng boto para sa pangulo at ikalawang pangulo.

Facebook Comments