Store attendant nagsauli ng wallet sa isang OFW

Pinapurihan ng pamunuan ng Duty Free Philippines ang ginawang kabutihan ng isa nilang empleyado.

Nabatid na nitong Huwebes, isinauli ni Ariel Dela Peña store attendant ang naiwang wallet ng OFW na si Alexis Celeste na naglalaman ng USD 1,000 o higit P50,000.

Ayon kay Dela Peña, nadiskubre niya ang wallet sa sahig malapit sa entrada ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.


Agad naman niya itong itinurn over sa lost & found section at dito na natawag ang pansin ng OFW.

Pagkabawi sa kanyang pitaka, nagpasalamat si Celeste sa honest na store attendant.

Kasunod nito personal ding pinasalamatan ni Duty Free Philippines Chief Operating Officer Vicente Pelagio Angala si Dela Peña at hinikayat ang iba pa nitong empleyado na pamarisan ang kabutihang ginawa ni Dela Peña.

Facebook Comments