Storm surge sa MIRAROPA, binabantayan ng PCG

Mino-monitor ng Philippine Coast Guard ang storm surge sa Calapan, Oriental Mindoro..Southern Batangas at South Eastern Marinduque dulot pa rin ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, tinataya ang taas ng alon 5.6 meters.

Bagama’t mabilis aniya at hindi naman ito sustain, naka-alerto pa rin ang kanilang units sa lugar.


Samantala, kinumpirma rin ni Balilo na kalmado na ang sitwasyon sa Matnog, Sorsogon.

Ayon kay Balilo, mababa na ang alon at mahina na rin ang hangin sa Matnog.

Bunga nito, posibleng payagan na aniya nila ang paglalayag ng mga barko doon.

Facebook Comments