
Muling naglabas ng storm surge warning alas-otso ngayong umaga ang DOST-PAGASA sa Palawan bunsod ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Tino sa probinsya.
Tinatayang aabot sa tatlo o higit pa ang taas ng daluyong ang posibleng mararanasan sa mga El Nido (Bacuit), San Vicente, at Taytay.
Maaring makarananas naman ng storm surge na may taas na 2.1 hanggang tatlong metro ang Araceli, Busuanga, Coron, Culion, Dumaran, Linapacan, Puerto Princesa City, at Roxas.
Isa hanggang dalawang metrong taas ng daluyong ang maari ding maranasan sa Aborlan, Agutaya, Cuyo, at Magsaysay.
Nagpaalala ang weather bureau na umiwas sa mga dalampasigan, lumipat sa mas mataas na lugar, at ipagpaliban muna ang pagpalaot o anumang marine activities.
Facebook Comments









