Pumalo na sa 4,000 pasahero ang na-stranded sa mga pantalan matapos suspendihin ang biyahe dahil sa bagyong Ompong.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson, Capt. Armand Balilo – pinakamaraming stranded na pasahero ay nasa Dumaguete Port, Matnog Port sa Sorsogon at Batangas Port.
Mayroon na ring naiipong pasahero sa mga pantalan ng Northern Samar at Southern Leyte.
Sinabi rin ni Balilo, binigyan na rin ng kapangyarihan ang mga regional directors nito na magsuspinde ng mga biyahe
Aabot naman sa 637 rolling cargos, 46 vessels at 36 motorbancas ang hindi makabiyahe.
Inaabisuhan din ng PCG ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot.
Facebook Comments