STRANDED | Bilang ng mga pasaherong stranded, umakyat sa halos 5,000 – PCG

Umabot na sa halos 5,000 mga pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Samuel.

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 2,096 pasahero ang nananatili sa anim na pantalan sa Bicol Region.

Nasa 1,282 indibidwal naman ang nananatili sa mga pantalan sa Central Visayas, 1,058 sa Southern Visayas at 869 sa Eastern Visayas.


Kinansela rin ang mga byahe ng nasa 661 pasahero sa mga pantalan sa Maynila at Pasig maging ang byahe ng 482 pasahero sa Southern Tagalog Ports.

Mayroon namang 25 pasahero sa Northern Mindanao ang stranded sa pantalan.

Hindi rin pinapayagang makabyahe sa dagat ang sampung rolling cargo at 15 vessels.

Facebook Comments